Tuesday, May 29, 2007

bubbly bubble

back to normal life na ulit ako. pero, alam ko na nabago kasi naman, napasalita ako. tus di ko lam kung yung pagsasalita ko e maganda yung nagawa. sabi nila NOW or NEVER daw e. tapos, masasaktan lang daw sila. so okay, nagsalita ako. sabi ko pa nga maiiyak ako, ayun, natupad ang pangarap ko, naiyak ako.

pinapapak pako ng lamok nun sa gloria jean's. sabi nya "sincere ako sa lahat ng ginawa ko..."

pano ko naman kaya malalaman? natahimik nalang ako, nung ako na yung magsasalita di ko lam kung pano ako magsisimula. e yun, nagsimula sa panginginig ng boses ko, tus bigla nalang tumulo yung luha ko.

"mas ok sakin yung dati, yung wala lang.. alam ko kahit anung mangyari walang malisya..."

di ko na alam kung anu pang nangayri, basta tumatak sa utak ko yung lines na paulit-ulit nyang sinabi.. "nagulat nalang ako, pag gising ko gusto ko nasa tabi nalang kita..."

ha! grabe... hindi ko ma-imagine yun.

ok na sabi ko, pero sabi nila apektado sya. masaya na ulit ako, ang totoo, masaya naman na talaga ako. hindi ko lang siguro inaasahan to kaya medyo di ko lam kung anu gagawin ko.

tanong lang, nung nakita ko sya bakit parang normal naman lahat? ganun din naman sya nung makausap ko sya e?...

hay...

kailangan ko lang siguro linawin kung anu na ba talaga ang gusto ko sa hindi... mawawala na ko sa sarili...

No comments: